Transcript of Sen. Mar Roxas’ press briefing after Quality Affordable Medicines Oversight Committee hearing


13 July 2009

MAR: Buhay ang pinag-uusapan dito. Bukod dito sa mga savings, malaki na nga ang savings, 1 kilong bigas sa bawat tableta. Dito lamang sa blister pack na ito, 10 ito, eh di sana 10 kilo ng bigas ito kung naisakatuparan lamang, kung pinirmahan lang ng pangulo itong Maximum Retail Price na ito. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya napipirmahan ito? Malaki na ang savings dito. Pero bukod pa dun, higit pa roon, buhay ang pinag-uusapan dito. Itong gamot na ito, Lipitor, pang-cholesterol ito. Cholesterol, napupunta sa high blood ito. Tapos itong gamot na ito, Norvasc, para sa high blood ito. High blood, napupunta sa stroke, napupunta sa heart attack. Itong gamot na ito, Diamicron, gamot ito sa diabetes. Maraming namamatay sa diabetes. O di kaya naman, ‘yung quality of life talagang sumasama. Itong savings na ito, itong Payless na ito, sa halagang P7, everday, sa bawat tableta, kung napirmahan ng pangulo ito, ganun kalaki ang savings. Pero bukod nga dun, ‘yung quality of life, ‘yung productivity, ‘yung buhay ng ating mga kababayan.

Bakit may panahon ang pangulo na makipag-miting dito sa mga pharmaceutical companies na ito? Okay lang makipag-miting sa kanila. Pero bakit hindi niya tinanggihan ang kanilang mga reklamo dito sa pagbaba ng presyo? At sinabi sa kanila na pipirmahan ko ito…bakit hindi niya sinabi na, ‘Pipirmahan ko ito, pirmado na ito. Kung magbaba kayo ng presyo, eh di I-wi-withdraw ko ito. Bakit nanguna pa siya? Dito lamang sa 10 araw na ito, lahat ng gamot na bibilhin ng ating mga kababayan mas mahal kesa sa nakatakdang MRP. Bakit parati na lang nahuhuli ang ating interest?

Q: Bribe nga ba iyong alleged 5 million discount cards offered by Pfizer?

MAR: Hindi ko masabi. Magandang pagkakataon sana ito para humarap dito. Executive secretary, senior deputy executive secretary, secretary of trade or di kaya ‘yung secretary of health. Magandang pagkakataon ito para sana nasabi nila sa taumbayan na pinrotektahan nila ang interest ng sambayanan. Bakit hindi sila sumipot dito? Ano napika, napikon? Ganun na lang ba ‘yun? Dadaanin na lang ba sa pikon, dadaanin na lang ba sa inis, itong isyu na ito? Hindi si MAR ROXAS, hindi ‘yung Kongreso ito, tao, buhay ng tao ang nakasalalay dito. Yan ang isyu dito. Hindi po politika, hindi po inis, hindi po pikon. Ang nakasalalay dito ang bawat pamilyang Pilipino na bumibili nito na sobrang mahal, na sana kung napirmahan itong Maximum Retail Price na ito, ganito na ang savings: isang kilong bigas sa bawat tableta ng Lipitor; kalahating kilong bigas at isang latang sardinas sa bawat tableta ng Norvasc; isang Payless sa bawat tableta ng Diamicron. Mga halimbawa pa lang ito. 22 ang mga gamot na ito doon sa nirekomenda ng DOH. At hindi pa nagtatapos ang mga ito sa 22 medicines na iyon, pambungad lang ito, pang-buena mano lang ito. Eh buena mano pa lang, ang pangulo ayaw ng suportahan ‘yung mas mababang presyo para sa ating mga kababayan. Mali po ito. Gawin po ninyo ang tama, Ginang Pangulo. Kahit hindi niyo na po puntahan si Obama, gawin niyo lang po ito ay papalakpakan kayo ng ating mga kababayan.

Q: Bakit sinasabi ng mga pharmaceutical companies na last resort lang itong MRP?

MAR: ‘Yun ang pananaw nila, so siguro sila ang tanungin ninyo. This provision in the law, MRP, is a provision with no limitation. Sinasabi na if the Department of Health sees that the prices remain high and so on and so forth, you can use this. Ang sinasabi dito, isang kumpletong tool kit ito. Itong MRP na ito, martilyo ito. Eh nakaangat pa ang pako eh, kaya mataas pa ang presyo eh. Eh di gagamitin ng gobyerno ito para pampukpok para pukpukin ‘yung pako. Eh kung sila mismo, kusang-loob, ibinaba nila ang presyo nila, eh di walang dahilanan para gamitin itong probisyon na ito ng batas. Pero hindi ito kondisyonal. Ang punto lang po dito ay mataas ang kanilang presyo. Heto na lang, itong Pfizer na ito. Sila mismo nagbebenta ng kanilang produkto ng P22. Ibig sabihin, para sa kanilang ibang customer, okay na iyong P22. Pero bakit sa pangkaraniwang Pilipino hindi okay? Bakit ayaw nila ito?

Ganoon ba ang kapangyarihan nitong Pfizer na ito sa ating bansa? Na nakapag-organize siya ng miting sa Executive Secretary basta-basta, ganun na lang? Na nakapag-organize siya ng miting na hinarap sila ng pangulo?

Q: Do you think there is a hint of collusion between the executive and the pharmaceutical industry?

MAR: Obvious na nag-uusap sila. Hindi naman nila itinanggi na nag-uusap sila eh. Ang punto lang po dito, ang interest natin nahuhuli. Hindi pinirmahan iyong MRP ah. Hindi ba inamin nila? Excuse me, hindi inamin ng Palasyo, hindi sila pumunta dito eh. Mabuti na lang may nagsabi na oo, nag-miting kami, oo nakipag-usap kami sa pangulo, oo Pfizer ang nagtawag. Bakit ganun? Bakit sa sikreto? Hindi na ba tayo naniniwala sa accountability? Hindi na ba tayo naniniwala na kailangang ipaliwanag natin ito sa taumbayan? Kahit na may batas tayo, kahit na may rekomendasyon na iyong secretary of health, hindi pa rin naipatutupad itong MRP?

Q: Sabi ng PHAP it was a mere consultation, walang nakikitang mali kasi it is the option of the president whether to sign it or not…

MAR: Tama. Lahat naman ng may interest nakikipag-miting. Pero hindi ba sabi nila ang pinakahuling authority ‘yung pangulo? Discretion niya ito kung pipirmahan niya ito o hindi. Kaya dun sila nakipag-miting, okay lang ‘yun. Sinabi ni Mr. Villanueva (of Roche Philippines) this is a business and we are here to make profits. Sinabi niya. Pero ang pangulo, siya supposed to be tumatayo, taga-pagbantay ng interest natin. ‘Yan ang punto dito eh. Hindi ‘yung miting ang punto dito eh kundi sa pagpirma ng pangulo, sa pag-utos ng pangulo na ibaba ang presyo ng gamot. By the way, sa gamot, hindi lang iyan ang pagkukulang ng pangulo. Dun sa nakaraang hearing sinabi nila na ang PITC hindi naman pala napopondohan ang pagbili. P120 billion ang halaga ng pharmaceutical industry. ‘Yung transkasyon na pinasukan ng PITC Pharma ay P60 million. 120th of 1%…so hindi niya pinondohan iyong PITC. So paano magkaka-impluwensiya ‘yung gobyerno? Ngayon naman, sinasabi ng representative ng Roche na, Philhealth…gumastos pa kayo. Ang ibig sabihin nun ‘Eh di bumili pa kayo ng mamahalin na gamot.’ Pero ayaw nilang ibaba ang presyo nila. hindi lang ito niluluto sa sariling mantika…

Q: Anong gagawin ninyo kung halimbawa hindi ito pipirmahan o kaya isasabay na lang sa SONA?

MAR: Hindi ko alam. Nasa pangulo iyan eh.

Q: Defiant ang pharmaceutical companies?

MAR: Bakit namin hindi sila magiging defiant? Eh sa bawat kalabit nila may executive secretary. Sa isang kalabit nila haharapin sila ng pangulo eh. Reklamo sila sa pangulo, ang Sasabihin ng pangulo, sige bigyan ko kayo ng palugit na 10 days.

Q: Do you think dun sa 10 days, may hinihintay pang dagdag dun sa 5m?

MAR: Ewan ko. Hindi ko alam, malalaman na lang natin kung ano mangyayari. Ang alam ko lang, binigyan natin ang pangulo ng pagkakataon na mabigyan ng bawat umiinom ng Norvasc ng kalahating kilong bigas at isang latang sardinas araw-araw. Nasa kanya ito. Hindi kailangan yung conditional cash transfer, hindi kinakailangan ng kung ano-ano pang mga programa. Eto lang, sa kanyang isang pirma lang, ang lahat ng umiinom ng Norvasc, lahat ng may high-blood kalahating kilong bigas at isang latang sardinas. Lahat ng may cholesterol na problema, isang kilong bigas. Nasa kanyang kamay ito, isang bolpen lang ito. Pirmahan niya iyon, sa loob ng isang buwang, isang taon, araw-araw isang kilong bigas. Imbes na naghahagilap tayo, gumagawa tayo ng kung ano-anong programa para makatulong sa ating mga kababayan…eh may sakit naman ang mga kababayan natin kaya heto o, di ba?

Q: Pag hindi pinirmahan ni GMA ‘yung MRP, may violation ba siyang gagawin?

MAR: Wala. Pero ipaliwanag niya, pananagutan niya sa atin ang lahat niyan. Nakaangat ang pako, Binigyan ka ng martilyo, eh bakit ayaw mong pukpukin iyan? Walang nagpipilit sa batas na nagsasabing kailangan niyang gawin ito. Pero sa  kanyang pagsumpa, sa kanyang oath, babantayan niya, itataguyod niya ang interest natin. So ang tanong, paano mo tinataguyod ang interest namin na naka-angat ang pakong iyan ng hindi mo pinupukpok? May masasaktan? May maba-bad trip kaya hindi mo aayusin, simple lang iyan eh.

Q: Bakit wala sila Duque at Favila at Ermita?

MAR: Sabi nila hindi daw sila nakapag-handa. Pero may panahon para makapag-kita sa pharmaceutical companies.

Q: Sabi ni Ermita late na natanggap ang invitation?

MAR: Sa sulat niya July 10, pero nakamarka sa receive July 9. Pero ganito kalaking isyu, hindi naman ito baguhan, hindi ito out of the blue, bakit hindi mapuntahan? Kung talagang kusang-loob na gusto nilang tumulong, pumunta sila dito, kung wala silang itinatago, ikuwento nila. Lumapit sila dito…isiningit sa iskedyul ng pangulo, anong napag-usapan,…ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan eh. Ang punto dito, paano natin malaman kung alin ang katotohanan dito?

Heto ang facts: Facts, not speculations:

  • The recommendation came from the Doh on June 10 ang sulat.
  • Nagka-miting July 2 ES Ermita.
  • Nagka-miting July 8 with PGMA.
  • Hanggang ngayon, hindi pa rin napipirmahan ang MRP na ito.

Kailan nga ba talagang malaman kung alin ang katotohanan?

Q: Ipapatawag ba ang Pfizer?

MAR: Tanungin ko si SP kung gusto niya. Kami naman ang oversight committee on implementation of the medicines law. Nakikita natin ang kabulukan ng healthcare system natin. Meron naman PITC, ang ganda ng name, ang daming ad, Botika ng Bayan, Botika ng Barangay, Pharma 100…yun pala P60 million lang mula sa P120 billion, ano iyon? Pang-PR lang ata iyon eh.

Q: Na-establish ba yung conspiracy?

MAR: Ang punto ko lang, hindi pa ginagawa ng pangulo ang maaari niyang gawin upang ibaba ang presyo ng gamot. Confirmed nila may miting, kinumpirma din nila na inaayawan nila ito, kinumpirma nila na sinabihan sila ng pangulo ng, ‘Gawin niyo ito kundi gagawin ito’. Kayo na mag-describe ano yun. Ang punto dito is, hanggang ngayon hindi pa natin natitikman ang pagbaba ng presyo. Hanggang ngayon may mga mamatay pa rin dahil hindi sila makabili ng mga gamot. Hanggang ngayon ang bawat tableta nito, sana nakatulong tayo sa bawat may cholesterol, may isang kilong bigas o. Ang linaw-linaw kung anong dapat gawin. Ito pa, World Health Organization: 120 countries have one form or another of price regulation. Ginawa ng mga gobyerno nila iyon para sa kanilang mamamayan. Bakit ang gobyerno natin na binigyan na natin ng pagkakataon, na binigyan na natin ng martilyo, ay hindi pa rin ginagawa ito?

Q: Bakit pinigilan si Duque and Favila na pumunta dito?

MAR: Ewan ko, sila lang makapagpapaliwanag ng gawain nila. [Deliberate ba?] Yes, absolutely, nag-confirm sila eh. Nag-confirm ang mga tanggapan. Nung linggo, as complete staff work, tinawagan uli ang mga assistant at kinonfirm uli kung darating ba ang mga amo, sabi oo. O ngayong umaga, en route na sila, papunta na dito, bigla na lang hindi, walang utos pala.

Q: Apparently, price control for meds, hindi handa ang pharmas…pero investments wise?

MAR: Ano ba investment nila? Di ba hindi naman manufacture? May pagawaan ba sila dito? Isa lang ang pagawaan dito, dating Interphil/Interfil, contract manufacturer ito ng lahat ng pharma companies. Anong sinasabi nilang investments? Ang investment nila dito ay infrastructure ng marketing, infrastructure dito sa mga pagbebenta ng kanilang mga projects. Ang kanilang produkto pumapasok dito in 2 ways…isa finished product, gawa sa iba. O kay raw materials na dito gagawing tableta.

Q: Yung 10 days na palugit, she’s not compelled to sign the MRP?

MAR: Hindi ko alam. Matagal na itong batas na ito, isang taon na ito. Iyong IRR nito, tapos na nung October. Ang pangulo ilang taon na niyang ipinangako ito? Ilang taon na niyang ibinenta itong Cheaper Medicines? DTI pa ako ibinebenta na niya ito. Ngayon na may pagkakataon siya na isakatuparan ito, bakit ngayon ayaw na niya? Ilang super roadshow presentation na ito. Ngayon pwede na itong gawin, ayan na, pirmahan na niya.

-30-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s